Nagningning ang gabi sa La Loma Lechon Festival 2026! ![]()
![]()
Mas lalong pinasigla ang selebrasyon nang haranahin ng OPM singer-songwriter na si Eliza Maturan ang mga manonood, habang ipinamalas naman ng Sagayan Dance Troupe at Kalinangan Dance Group ang kanilang husay sa sayaw at pagtatanghal.
Pinuno rin ng musika at kasiyahan ng QC Symphonic Band at mga buskers ang buong lugar na naghatid ng aliw, sigla, at saya para sa lahat ng dumalo.
Sabay-sabay namang namangha ang mga residente at bisita sa makukulay na fireworks display na nagsilbing makapigil-hiningang pagtatapos ng selebrasyon.
Mula umaga hanggang gabi, dama ang saya, sigla, at pagkakaisa ng bawat QCitizen at bisitang nakiisa sa isa sa pinakaaabangang food festivals ng lungsod.
Dahil sa Quezon City, laging may higit pang puwedeng tuklasin, tikman, at ipagdiwang.









