Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
La Loma Lechon foodtrip! Ano, tara? ![]()
![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte kasama ang mga opisyal ng lungsod ang unveiling ng La Loma Gastronomic Map bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 La Loma Lechon Festival.
Layunin ng inisyatibo na mas kilalanin at maipakita ang mga kainan at natatanging pagkain sa La Loma, na matagal nang kinikilalang “Lechon Capital” at isa sa mga pangunahing culinary destinations ng Quezon City.
Sa pamamagitan ng gastronomic map, mas mapapalakas pa ang turismo, local food hubs at businesses, habang ipinapakilala ang mayamang kasaysayan at mga natatanging putahe ng La Loma sa mas maraming residente at turista.









