Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naging makulay at kakaiba ang pagdiriwang ng La Loma Lechon Festival sa ginanap na Lechon Parade tampok ang iba’t ibang malikhaing floats ng mga ipinagmamalaking lechon ng La Loma.
Dinumog ng mga residente at bisita ang parada upang masaksihan ang makukulay na disenyo at selebrasyon na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon ng La Loma bilang kinikilalang “Lechon Capital” ng Quezon City.
Sinundan naman ang parada ng isang masayang boodle fight kung saan nagsalo-salo ang mga dumalo sa iba’t ibang putahe at espesyal na litson ng La Loma.
Kasama sa selebrasyon sina Mayor Joy Belmonte at mga opisyal ng lungsod sa patuloy na pagsuporta sa mga negosyong nagbibigay-buhay sa komunidad.









