Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, tara’t suportahan natin ang ating mga lechunan sa La Loma!
Ngayong ASF-Free na ang Lechon Capital of the Philippines, garantisadong malinis, ligtas, at de-kalidad ang bawat lechon na maaari ninyong tikman at iuwi.
Personal na bumisita si Mayor Joy Belmonte upang kumustahin ang ating mga lechoneros at masiguro na ang bawat mamimili ay nakakauwi ng ligtas, masarap, at sulit na lechon.
At ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, siguradong mas magiging espesyal ang handaan, lalo na kung may lechon mula sa La Loma!










