Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
LA MESA DAM WATER LEVEL UPDATE ![]()
Umabot na sa spilling level (80.22 meters) ang tubig sa La Mesa Dam nitong Lunes, August 10, 2026, 11:00 ng gabi.
Inaasahang maaapektuhan ng sobrang tubig mula sa dam ang mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River.
Hinihikayat ang mga residente sa sumusunod na lugar na agad na lumikas kung kinakailangan para sa kanilang kaligtasan:
• Fairview
• Forest Hills Subdivision
• Quirino Highway
• Sta. Quiteria
• San Bartolome
Pinaaalalahanan ang lahat na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulan, lalo na ang mga nasa lugar na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig.
Sa oras ng emergency, tumawag sa QC Helpline 122.






