Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakarating na ang Our Lady of the Rosary La Naval de Manila sa District 2 Mother of Divine Providence Parish ng Barangay Payatas!
Matapos ang masigabong pagsalubong ng QCitizens mula sa iba’t ibang blessing stations bilang bahagi ng El Recorrido, isinagawa ang misa ng bayan sa pangunguna ni Fr. Nestoy Taroy, Jr., FDP.
Pansamantalang mamamalagi ang mahal na birhen sa simbahan bago ang susunod na prusisyon bukas patungong Our Lady of the Miraculous Medal Parish.










