Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakarating na sa Parish of the Our Father ng Barangay Sauyo ang imahen ng La Naval!
Mainit ang naging pagtanggap ng QCitizens mula sa District 6 sa pagdating ng mahal na birhen, kung saan naghanda sila ng isang dance performance.
Matapos nito, nagkaroon ng misa na pinangunahan ni Parish Priest Rev. Noel Elorde. Namalagi ang imahen ng La Naval sa Parish of the Our Father bilang overnight venue bago ang ikatlong araw ng prusisyon mamaya.










