Blessed Virgin Mary, Guide Us
Taos-puso ang naging pagtanggap ng mga QCitizens sa pagbisita ng Mahal na Birhen ng La Naval sa Barangay Batasan Hills, District 2.
Nag-alay din ng banal na misa at novena vigil sa SB Park Covered Grounds. Nahawakan at nakapagdasal din ang mga deboto ng imahen sa idinaos na Besa Manto (touching of the image) sa lugar.
Upang bigyang saya ang mga debotong dumalo, nagtanghal ang QC Symphonic band at ang Koro San Benito ng Barangay Payatas.
Magkakaroon ng din ito ng send-off activity bago maglibot ang La Naval sa mga blessing stations patungong Sagrada Familia Church Gateway Mall 2 sa Distrito 3.