VIVA MARIA, VIVA LA NAVAL! ❤️

Personal na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte ang imahen ng Mahal na Birhen ng La Naval sa pagbisita nito sa Sagrada Familia Church, Gateway 2 sa Distrito 3 kahapon.

Dumalo rin sa banal na misa ang Alkalde kasama si District 3 Rep. Franz Pumaren na siyang nagpatong ng korona sa Patron ng Lungsod Quezon.

Nakiisa rin sa misa para sa La Naval sina Araneta Group Vice Chairman Judy Araneta-Roxas, Chief of Staff Rowena Macatao, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Kate Coseteng, District Action Officer (AO) Atty. Bong Teodoro, AO Atty. Tommy de Castro, AO Ollie Belmonte, at mga barangay officials ng Distrito 3.

Nagbigay saya rin sa mga deboto ang “Harana Para kay Maria,” kung saan nagtanghal ang Our Lady of Perpetual Help Parish Cubao Youth Choir, si Fr. William Garcia ng Nativity of the Lord Parish, Saint Francis Choir, at ang Solemne.

Gaganapin ang pinakamalaking misa para sa Mahal na Birhen ngayong Sabado sa Quezon Memorial Circle. Magkakaroon naman ng grand procession sa Sto. Domingo Church sa Linggo ng hapon.

+43