Mainit na tinanggap ng mga debotong mula Distrito 6 ang imahen ng Mahal na Birhen ng La Naval sa pagbisita nito sa Silvina Covered Court ng Barangay Talipapa.

Bahagi ito ng El Recorrido De La Virgen o ang paglibot ng Birhen sa buong Lungsod Quezon.

Pinangunahan ni Rep. Marivic Co-Pilar ang welcoming enthronement sa imahen kasama ang sina Coun. Doc Ellie Juan, Coun. Kristine Matias, Coun. Vic Bernardo, D6 Action Officer Atty. Mark Aldave, D3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, D1 Action Officer Ollie Belmonte, at mga barangay officials ng Distrito 6.

Nagkaroon din ng High Mass para sa La Naval na pinangunahan ni Rev. Fr. Victor Emmanuel I. Clemen, MALS.

Sinundan ito ng Cultural Night kung saan nagtanghal ang QC Symphonic Band, Pinang ng Barangay Culiat, at ang El Shaddai Community Choir. Dinaluhan ito nina Chief of Staff Rowena Macatao, D4 Action Officer Al Flores, at D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.

Nag-alay din ng novena sigil ang mga barangay at mga grupong mula sa Distrito 6.

#LaNavaldeManila2023

+41