Viva la Virgen! Maligayang kapistahan ng Reyna ng Santo Rosario La Naval de Manila!

Libo-libong QCitizens ang nagpakita ng kanilang panata at pananampalataya sa grand procession ng Our Lady of the Most Holy Rosary – La Naval de Manila.

Base sa datos ng Quezon City Police District, aabot sa 200,000 ang nakiisa sa kapistahan ng La Naval nitong Linggo.

Nilibot ng mga deboto ang mga karatig-barangay ng Sto. Domingo Church. Kasama rin sa mga nag-prusisyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer (AO) Ollie Belmonte, District 2 AO Atty. Bong Teodoro, District 3 AO Atty. Tommy De Castro, District 4 AO Atty. Zandy Zacate, District 5 AO William Bawag, at District 6 AO Atty. Mark Aldave.

Ipinahayag ni AO Ollie ang pasasalamat ng Quezon City Government sa Mahal na Birhen ng La Naval de Manila, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, sa Kanyang gabay at patnubay sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa lungsod.

Pinasalamatan naman ni National Shrine of Our Lady of the Rosary La Naval de Manila Rector Rev. Fr. Roger Quirao, OP ang lokal na pamahalaan dahil sa suporta nito sa pista, simula sa El Recorrido hanggang sa Grand Procession.

+62