VIVA BIRHENG MARIA!
Nasilayan ang tunay na debosyon at pagmamahal ng mga debotong QCitizens sa pagsalubong nila sa Mahal na Birhen ng La Naval sa huling araw ng paglilibot nito sa buong Lungsod Quezon patungong Sto. Domingo Church kahapon, araw ng Linggo.
Nag-alay din ng novena mass at holy rosary ang mga itinalagang barangay at mga kinatawan ng konsehal mula Distrito 4 sa Quezon Memorial Circle.
Bago ang motorcade, nagdaos ng send-off rites ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Chief of Staff Rowena Macatao, District Action 4 Officer Al Flores, at Traffic and Transport Management Department OIC Dexter Cardenas.




