PATRON NG QC, MAHAL NG QCITIZENS!
Nag-umpisa nang mag-ikot sa bawat distrito ng Lungsod Quezon ang imahen ng Mahal na Birhen ng La Naval.
Isinagawa sa Sto. Domingo Church ang send-off rites ng imahen na sinundan ng motorcade na dumaan sa mga itinalagang blessing stations sa Distrito 1 patungong Distrito 6 – Silvina Covered Court ng Barangay Talipapa.
Mainit ang naging pagsalubong ng daan-daang debotong QCitizens sa Patron ng Lungsod Quezon sa unang araw ng pag-libot nito.