MABUHAY ANG BIRHEN!
VIVA BIRHEN NG LA NAVAL!
Isinagawa sa District 5 Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy ang send-off rites ng imahe ng Mahal na Birhen ng La Naval at sinalubong ng makulay at masayang parada pagdating sa District 2 ng lungsod.
Matapos ang parada ay nagkaroon ng misa na ginanap sa SB Park Covered Grounds, Batasan Hills kung saan maraming deboto at residente ang nakiisa.
Pinangunahan ni District 2 Rep. Ralph Tulfo ang paglalagay ng korona sa Mahal na Birhen ng La Naval kasama sina Coun. Dave Valmocina, Coun. Mikey Belmonte, Coun. Rannie Ludovica, Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 Action Officer (AO) Atty. Bong Teodoro, District 5 AO William Bawag, District 6 AO Atty. Mark Aldave, at District 1 AO Ollie Belmonte.