Viva, Virgen ng La Naval!
Sama-samang sinalubong ng mga QCitizen sa District 1 ang pagdalaw ng imahen ng Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila sa iba-ibang barangay.
Bahagi ito ng El Recorrido De La Virgen (Ang Paglibot ng Birhen) na isa sa mga aktibidad sa paggunita sa 86th Founding Anniversary ng lungsod.
Tuwing El Recorrido, ipu-prusisyon ang imahen ng La Naval de Manila sa anim na distrito ng Quezon City.








