Malugod na sinalubong ng QCitizens ang pagdalaw ng imahen ng Our Lady of the Rosary of La Naval de Manila sa 13 blessing stations sa District 1 sa unang araw ng prusisyon nito.
Bahagi ito ng El Recorrido De La Virgen, o “Ang Paglibot ng Birhen” na isang tradisyong naglalapit sa Mahal na Birhen sa mga deboto sa iba’t ibang distrito ng Quezon City.
Pansamantalang mananatili ang imahen sa Diocesan Shrine of Santo Niño Parish bilang overnight venue bago ang ikalawang araw ng prusisyon bukas.
Kabilang sa mga blessing station na dinaanan ng prusisyon ngayong araw ang San Pedro Bautista Parish, Heart of Jesus and Mary Parish, Sta. Rita de Casia Parish, Sto. Cristo de Bungad Parish, Christ the King Parish, Brgy. Talayan Hall, Brgy. Masambong Hall, Brgy. Del Monte Multi-Purpose Hall, Brgy. Mariblo, Brgy. Paraiso Hall with Brgy. Sta. Cruz, Brgy. Paltok Hall, Brgy. Nayong Kanluran Hall, at District 1 Action Center sa Brgy. San Antonio.










