Our Lady of the Most Holy Rosary – La Naval de Manila, pray for us! ![]()
![]()
Dumating na sa Basilica Minore de San Pedro Bautista ang imahen ng Mahal na Birhen ng La Naval de Manila bilang bahagi ng El Recorrido.
Mainit itong sinalubong nina Action Officer Ollie Belmonte at mga deboto mula sa District 1.
Kasunod nito, nag-alay ng banal na misa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng District 1 Action Office ng Office of the City Mayor.
Pagkatapos ng misa, isinagawa rin ang ‘besa manto’ o pahalik sa manta ng imahen ng La Naval bilang tanda ng pananampalataya ng mga deboto.








