Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mula District 6, nasa District 5 na ngayon ang imahen ng Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila.
Inilibot ang imahen ng Mahal na Birhen sa mga barangay sa District 6 at District 5, na mainit na sinalubong at tinanggap ng mga QCitizen.
Nagdaos din ng misa sa Mary the Queen Parish sa Barangay Pasong Putik, sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
Naging kinatawan naman ng lokal na pamahalaan sa misa ng selebrasyon sina Coun. Joseph Visaya at District 5 Action Officer William Bawag.










