Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Viva, Virgen del Santo Rosario!
Nag-alay ng banal na misa ang pamahalaang Lungsod Quezon kasabay ng pagdalaw ng imahen ng La Naval de Manila sa Santuaro de San Vicente de Paul Parish and Shrine of the Poor sa District 6.
Magkatuwang na sinalubong nina Councilor Ellie Juan, Councilor Kristine Matias, Action Officer Atty. Mark Aldave at Barangay Captain Marlou Ulanday ng Brgy. Tandang Sora ang Mahal na Birhen, kasama ang mga barangay chairperson at deboto ng distrito.
Ang pagdalaw ng La Naval ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary at ng ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon.










