LA NAVAL, PRAY FOR US
Mainit na sinalubong ng mga debotong QCitizens ang imahen ng Our Lady of the Most Holy Rosary – La Naval de Manila magmula San Isidro Labrador Parish Church patungong Cathedral-Shrine of the Good Shepherd sa Distrito 5.
Damang-dama ang presensya at biyayang hatid ng La Naval sa pag-ikot nito sa mga komunidad sa lungsod.
Ang pagbisita ng La Naval sa bawat distrito sa QC ay bahagi ng selebrasyon para sa nalalapit na kapistahan ng Patrona ng lungsod sa Linggo, Oktubre 13.
Dumalo rin sa welcoming rites at holy mass sina District 5 Rep. PM Vargas, Coun. Ram Medalla, Coun. Joseph Visaya, Coun. Aiko Melendez, Coun. Shay Liban, Coun. Mutya Castello, District 5 Action Officer William Bawag, at Enzo Pineda.