Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
“Viva La Naval!”
Ito ang sigaw ng mga kalahok sa makulay at masiglang parada na nagpasimula sa La Naval Street Dance Competition.
Nagsimula ang parada sa UST Angelicum College at umikot sa mga lansangan sa paligid ng Sto. Domingo Church. Tampok dito ang mga grupong kalahok na nagpakitang-gilas din sa street dance competition.
Nakiisa sa parada ang mga District Action Officer bilang bahagi ng pagdiriwang ng La Naval Festivities.










