Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Lungsod Quezon ang delegasyon mula sa Young Women’s Political Empowerment Program ng Probinsya ng La Union para sa isang benchmarking activity na naglalayong matutunan ang mga best practices ng Quezon City Government sa pagpapaunlad ng youth QCitizens at pagsusulong ng gender equality.
Ibinahagi ng QC Youth Development Office at QC Gender and Development Council Office ang mga programang nagsusulong ng youth empowerment, women’s leadership, at inclusive governance. Bilang bahagi ng pagbisita, nagtungo rin ang delegasyon sa Quezon City Protection Center upang higit na matutunan ang mga serbisyong ibinibigay nito para sa proteksiyon at kapakanan ng mga mamamayan.










