LAB FOR ALL goes to QC!

Umarangkada sa Quezon City ang programang “Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat!” na pinangungunahan ng tanggapan ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Kaisa sa pagpapasinaya ng programa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at iba pang opisyal ng lungsod.

Handog ng Lab for All ang libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng laboratory services, x-ray, medical consultation, at gamot para sa mga mamamayan.

Maaari din mag-apply ang mga QCitizens sa training and livelihood programs ng TESDA at matuto sa libreng business mentoring kasama ang Go Negosyo.

Suportado rin ang programa ng mga sumusunod na national government agency at kanilang mga kalihim:

– Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, Jr.

– Department of Health Sec. Ted Herbosa

– Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian

– Commission on Higher Education Chairperson Popoy De Vera

– Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac

– Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Acosta

Ka-partner din sa programa ang mga pribadong organisasyon tulad ng Integrated Philippine Association of Optometrists at Ophthalmological Foundation of the Philippines.

+63