Libreng serbisyong medikal ang handog ng Lab for All para sa QCitizens!
Nakahanda na ang mga booth para maghatid ng free health services bilang bahagi ng “Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat!” Program ng tanggapan ni First Lady Louise Araneta-Marcos.
Makikita sa services caravan ang free laboratory procedures tulad ng x-ray, ultrasound, ECG, at marami pang iba.
Layon ng programa na mailapit ang government services sa mga mamamayan.