Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinaunlakan ni Mayor Joy Belmonte ang panayam nina Atty. Lorna Kapunan at Jaime Regalario sa programang Laban Para sa Karapatan sa DWIZ 882 ngayong Sabado.
Inilahad ng Alkalde sa radio interview ang pagtangkilik ng mga local chief executives sa Mayors for Good Governance, at ang mga nadiskubreng anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways sa Lungsod Quezon.
Tinalakay din ni Mayor Joy ang QC Drainage Masterplan sa solusyon sa pagbabaha sa QC at ang digitalization initiatives sa City Hall upang labanan ang anumang uri ng kurapsyon at red tape sa mga transaksyon sa Lokal na Pamahalaan.








