Bumisita sa Quezon City Hall ang Bids and Awards Committee (BAC) ng Bayan ng Labo, Camarines Norte para sa isang benchmarking activity tungkol sa best practices ng Quezon City sa government procurement.
Sa pangunguna ni Officer-in-Charge Victoria Tejedor, malugod na tinanggap ng Procurement Department ang delegasyon ng Bayan ng Labo at ibinahagi ang mga proseso at sistema ng lungsod sa procurement.
Kasama sa mga tinalakay ang Early Procurement Activity, Sagip Saka Act, Green Public Procurement, market scoping, Price Index, performance evaluation, at contract review.
Sa pamamagitan ng mga ganitong palitan ng kaalaman, patuloy na itinataguyod ng Quezon City ang transparency, accountability, at professionalism sa government procurement para sa mas mahusay na serbisyo sa publiko.










