Pagpupugay sa mga Manggagawang Pilipino!
Ngayong araw, May 1, 2025, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Paggawa o Labor Day bilang pagkilala sa dedikasyon at kontribusyon ng bawat manggagawa sa ating bansa.
Sa ating mga obrero, anuman ang inyong propesyon o linya ng trabaho, saludo ang Quezon City Government sa inyong sipag, tiyaga, at sakripisyo para sa pamilya at sa bayan.
Patuloy naming itataguyod ang inyong kapakanan.
