Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
SA QC, MAY TRABAHO PARA SA LAHAT!
Dagsa na ang mga jobseeker sa Quezon City M.I.C.E Center para makibahagi sa Labor Day Job Fair 2026 hatid ng QC Public Employment Service Office.
Bukas ang job fair para sa lahat ng nais maghanap ng trabaho.
Higit sa 100 local at overseas employers ang kasali at aabot sa 12,000 job vacancies ang maaaring ma-applyan.
Kasama sa one-stop shop ng job bazaar ang iba-ibang government agencies para tugunan ang mga jobseekers na mapadali ang kanilang pag-aasikaso ng mga dokumento at job requirements.








