Lakbay Aral Para sa Kabataan! ![]()
![]()
Aabot sa 100 child laborers at anak ng Overseas Filipino Workers ang sumali sa idinaos na Lakbay Aral ng Pamahalaang Lungsod Quezon ngayong National Children’s Month.
May tema itong “OSAEC-CSAEM Wakasan, Kaligtasan at Karapatan ng Bata Ipaglaban,” na pinangunahan ng Public Employment Service Office at Quezon City University.
Nilibot ng mga kabataan ang unibersidad, kasama ang Center for Urban Agriculture, library, at laboratory na nagpakita ng mga kursong maaari nilang pagpilian sa kanilang pag-aaral.








