Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Masayang tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga Grade 2 students ng The Raya School sa kanilang pagbisita sa Quezon City Hall na bahagi ng kanilang lakbay-aral ngayong araw.
Sinagot ni Mayor Joy ang mga katanungan ng mga estudyante mula sa mga trabaho ng alkalde at mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Ipinaliwanag ng Alkalde sa mga kabataan ang libreng school supplies, gadgets at scholarship sa mga public schools, ang green initiatives ng QC Government, at ang tugon ng lokal na pamahalaan tuwing may sakuna at bagyo.
Binigyan din sila ng mga reusable tumblers na magagamit nila sa eskwelahan at makatutulong para maiwasan ang paggamit ng mga plastic bottles.








