Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
LAKBAY SAYSAY SA LUNGSOD QUEZON! ![]()
![]()
Nakibahagi ang mga QCitizen sa Lakbay Saysay: Tuklasin ang Quesaysayan na pinangasiwaan ng QC Tourism Department.
Bahagi ito ng paggunita sa ika-82 anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ngayong Sabado.
Nag-umpisa ang historical walking tour sa Quezon City Hall, patungong QC Underparadiso, Quezon Heritage House, Philippines-Israel Friendship Park, at Quezon Shrine sa Quezon Memorial Circle.
Bukod sa pag-iikot sa mga makasaysayang lugar, naipaliwanag din sa mga dumalo ang kwento at kahalagahan ng bawat landmarks na kanilang binisita.










