Malugod na tinanggap ng Quezon City Government ang mga kinatawan ng Lapu-Lapu City, Cebu LGU para sa isang benchmarking activity na pinangunahan ng QC Tourism Department, katuwang ang QC Business Permits and Licensing Department (BPLD), City Treasurer’s Office (CTO), Department of the Building Official (DBO), Information Technology Development Department (ITDD), at QCID Team.
Ibinahagi ng iba-ibang departamento ang kanilang best practices kaugnay ng pagpapabuti at pagpapabilis ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa benchmarking activity sina City Administrator Mr. Michael Alimurung, BPLD Head Ms. Margie Mejia, CTO System/Database Administrator Mr. Aristotle Cristobal, DBO Engr. Jude Lapesura, ITDD OIC Ms. Mary Ann Cruz, at QCID Action Officer Mr. Patrick Anthony Formoso.










