Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Gender and Development Programs Orientation sa mga lider at kinatawan ng iba-ibang civil society organizations sa lungsod.
Pinaunlakan ni House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar ang pagtitipon, na dinaluhan ng mahigit 1,000 kababaihan, TODA members, GAD focal persons, solo parents, kabataan, at senior citizens.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mga CSO sa pag-unlad ng lungsod kaya’t importante na magkaroon ng boses na kakatawan sa kanila at idudulog ang kanilang mga pangangailangan.
Bumati rin sa mga CSO sina District 1 Rep. Arjo Atayde at Coun. Joseph Juico.




