Isang pagninilay sa buhay, pananampalataya, at pagmamahal sa sangnilikha. ![]()
![]()
Pinangunahan ni Rev. Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM ang novena Mass sa Basilica Minore de San Pedro Bautista bilang bahagi ng paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi.
Sinundan ito ng pagbubukas ng Laudato Si’ Art Exhibit: “A Visual Journey Through the Life and Legacy of Saint Francis of Assisi,” na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, Councilor TJ Calalay, at Action Officer Ollie Belmonte.
Tampok sa exhibit ang mga likhang-sining mula sa local artists na sumasalamin sa buhay at pamana ni San Francisco, gayundin sa kanyang malalim na pagmamahal sa Diyos, kalikasan, at kapwa.
Bukas sa publiko ang exhibit hanggang Oktubre 1, 2026, mula 10:00 AM–12:00 NN at 2:00 PM–8:00 PM sa BMSPB Quadrangle.










