Pormal nang inilunsad ang Online Prosecutor’s Clearance Application System (OPCAS) at Digital Case Management System (CMS) sa pangunguna nina Department of Justice Secretary Fredderick Vida, Mayor Joy Belmonte, at mga opisyal ng Department of Justice at Quezon City Prosecutor’s Office.
Sa pamamagitan ng Digital Case Management System (CMS), mas mapapabilis ang pamamahala at pagproseso ng mga kaso, kabilang ang mga may kinalaman sa pang-aabuso sa mga bata. Makatutulong ito upang mas mapabilis ang paghahatid ng hustisya para sa mga biktima.
Bilang bahagi ng patuloy na digitalization ng mga serbisyo ng lungsod, isinama na rin sa QC eServices ang Online Prosecutor’s Clearance Application System (OPCAS). Dahil dito, mas mabilis at mas accessible na ang pag-aapply para sa Prosecutor’s Clearance.
Patuloy na nagtutulungan ang QC at Department of Justice upang mapadali ang pagkamit ng hustisya para sa bawat QCitizen.










