QC supports women-led businesses! 👩‍💼📈

Inilunsad na ang 2nd batch ng Academy for Women Entrepreneurs (AWE) sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa U.S Embassy in the Philippines, at Spark! Philippines ngayong araw.

Nasa 25 na mga QC-based women entrepreneurs ang sasailalim sa 3 months na virtual at in-person trainings at seminars na layong mapaunlad ang kanilang entrepreneurial skills. Kasama rito ang layuning gawin din silang mentors para magturo sa mga kapwa nila women business owners.

Noong nakaraang taon, nasa 39 na kababaihan ang nakapagtapos sa batch 1 ng AWE.

Dumalo si Mayor Joy Belmonte kasama sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap, U.S. Embassy in the Philippines Public Engagement Director Della Harreland, Spark! Ph Executive Director Mikaela Teves, at Spark! Trustee Boots Garcia.

#TayoAngQC

+19