Dumalo ang Quezon City Government sa mixer night na inorganisa ng Launchgarage Innovation Hub para sa mga startup business, government partners, at investors.
Naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa pagtitipon si Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO) chief Jay Gatmaitan.
Ibinahagi niya ang Startup program ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng 1 million peso grant sa pinaka kwalipikadong techpreneurs na nakabase sa Quezon City.