Magbibigay ng libreng basic housekeeping skills training ang Park Inn by Radisson North EDSA sa persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Jail – Female Dormitory (QCFD).

Sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government at QC Skills and Livelihood Foundation Inc. (QCSLFI), tatlong buwan sasailalim sa basic housekeeping ang mga PDL. Magte-training sila sa ginawang Park Inn Standard Room sa Female Dormitory.

Sigurado ring mataas ang skills at competitiveness na makukuha ng PDLs dahil ang curriculum na susundin ng training ay base sa global standards ng housekeeping, na binuo ng Park Inn katuwang ang Sustainable Hospitality Alliance (SHA).

Pormal na pumirma sa Memorandum of Understanding ng pagsasanay sina Mayor Joy Belmonte, Bureau of Jail Management and Penology Director (BJMP) JDir. Ruel Rivera, BJMP-NCR Regional Director JCSupt. Clint Russel Tangeres, QCFD Jail Warden Lourvina Abrazando, SM Hotels Executive Vice President Peggy Angeles, Park Inn by Radission North EDSA General Manager Ann Olalo, at QCSLFI OIC Valerie Bernardino.

+30