MAY BRAILLE BOOKS NA SA QCPL!
Inilunsad ng Quezon City Public Library (QCPL) ang 19 children’s book na translated sa braille at maaari nang mabasa ng mga persons with visual impairments.
Ang mga bagong braille books ay proyekto ng lokal na pamahalaan katuwang ang National Library of the Philippines (NLP). Layon nitong mas maging inklusibo ang QCPL at makatulong sa mga persons with disabilities.
Naisalin na rin ang pambatang libro ng lungsod na pinamagatang “What kids Should Know About Quezon City,” at nilalaman nito ang mahahalagang pangyayari, tao, at mga kwento ng Lungsod Quezon.
Dumalo sa programa sina City Librarian Mariza Chico, Assistant City Librarian Mary Bernal, at Dolores Dolado-Carungui ng NLP.