Isang makasaysayang araw para sa Quezon City! ![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng Phase 1 ng Buhay na Bantayog Redevelopment Project sa Bantayog ng mga Bayani.
Layunin ng proyekto na bigyang-pugay ang mga bayani at magsilbing gabay para sa mga susunod na henerasyon.
Makikita sa renovated Wall of Remembrance ang mga pangalan ng mga martir mula sa panahon ng Martial Law kabilang ang mga activists, mamamahayag, manunulat, at mga lingkod-bayan —pati na ang mga hindi kilalang bayani na nagbuwis ng buhay para sa demokrasya.
Nakiisa rin sa pagtitipon ang mga kaanak at nakaligtas mula sa Martial Law., na nagsilbing saksi sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Ipinakita naman ni Architect Erold Enriquez, lead technical consultant para sa heritage conservation, ang mga plano sa tuloy-tuloy na redevelopment.
Nagpasalamat ang Bantayog ng mga Bayani Foundation, sa pamumuno ni Chairman Jose De Jesus, sa suporta ng QC Government para sa proyekto.








