Inilunsad na ng Diocese of Novaliches, sa pangunguna ni Most Rev. Bishop Roberto O. Gaa, D.D, ang Citizen Empowerment for National Transformation (NOVA-CENT) ngayong Linggo.
Ang NOVA-CENT ay grupo ng mga indibidwal na mangunguna sa pagpapaigting ng pakikibahagi ng mga mamamayan sa mga usaping panlipunan at pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng aktibong pakikibahagi ng mga mamamayan, sa pagsusulong ng kaunlaran ng komunidad.
Sa QC, mayroon nang People’s Council at Freedom of Information Ordinance na nagpapalakas sa kakayahan ng mga mamamayang lumahok sa mga programa at usapin sa gobyerno.
Malapit na ring buksan ang iReport at Open Infra platforms na magbibigay ng boses sa mga residente para i-report ang mga nangyayari sa lugar, at makita kung paano inilalaan ng pamahalaan sa mga proyekto ang bawat sentimo ng kaban ng bayan.










