Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pormal nang inilunsad kahapon ng lokal na pamahalaan ang Inclusive Climate Action (ICA) Training Program para sa mga kawani ng lungsod!
Sa tulong ng C40 Cities Urban Climate Action Programme – Climate Action Implementation (UCAP CAI), layon ng inisyatibo na i-capacitate ang mahigit 19,000 QC Hall employees ng kaalaman sa pagsisiguro na inklusibo, abot-kabay, at tiyak na tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Bukod sa mga kawani ng pamahalaang lungsod, isasailalim din sa ICA training program ang mga lider ng komunidad, at mga kabataan.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng programa, kasama si Human Resource Management Department, mga konsehal, at iba pang department heads.








