MAINIT NA PAGBATI SA KAYA NATIN CHAMPS! 🏆

Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na programa ng Kaya Natin (KN) Movement for Good Governance and Ethical Leadership Inc.

Itinanghal bilang mga bagong KN Champions para sa kanilang epektibong programa at tapat na pamamahala sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Iloilo Province Governor Arthur Defensor Jr., Cavite Board Member Kerby Salazar, Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo-Fabic, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Noong 2011, bilang Vice Mayor ng Lungsod Quezon ay hinirang din na KN Champion si Mayor Joy.

Ipinagdiriwang din ngayong 2024 ang ika-16 anibersaryo ng KN Movement.

Dumalo sa event sina KN Movement Chairperson and former Senator Bam Aquino, former Senator Kiko Pangilinan, former Department of the Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento, KN Movement Lead Convenor Harvey Keh, kasama ang mga board members at partners ng KN Movement.

+32