Sama-samang nanumpa ang mga student leader, guro, school heads, Metro Manila local officials, at iba’t ibang education stakeholders sa paglulunsad ng NCR Safe Schools: Regional Anti-Bullying Policy ng Department of Education–National Capital Region (DepEd NCR).
Layunin ng inisyatibang ito na palakasin at paigtingin ang kampanya laban sa bullying at iba’t ibang uri ng karahasan sa mga paaralan, upang matiyak ang ligtas, inklusibo, at makataong learning environment para sa lahat ng mag-aaral.
Pinangunahan ang paglulunsad nina DepEd Assistant Secretary for Operations at DepEd NCR Regional Director Jocelyn Andaya, Assistant Secretary Georgina Ann Yang, Assistant Regional Director (OIC) at Quezon City Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.
Ipinakita rin ang buong suporta ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pangunguna nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pateros Mayor Gerald German, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.










