Mas pinadali na ang mga serbisyo ng Quezon City Public Library sa tulong ng bagong QCPL Website!
Sa pamamagitan ng QCitizen ID, maaari ng ma-avail ang automated services ng aklatan tulad ng paghiram at magpa-reserve ng mga aklat na nasa respository ng QCPL website.
Nanguna sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa opisyal na paglunsad ng website kasama sina QCPL head Mariza Chico at mga opisyal ng lungsod.
Para sa karagdagang detalye ukol sa mga bagong feature ng website, bisitahin ang qcpl.quezoncity.gov.ph.