Responsableng paggamit ng AI, suportado ng Lungsod Quezon!
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng Project AGAP.AI (Accelerating Governance and Adaptive Pedagogy through Artificial Intelligence) sa Quezon City Science High School.
Layunin ng Project AGAP.AI na isulong ang ligtas, responsable, at epektibong paggamit ng Artificial Intelligence sa basic education upang mapahusay ang pagtuturo at pagkatuto.
Dumalo sa opisyal na paglulunsad sina Department of Education Secretary Sonny Angara, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at mga kinatawan mula sa DepEd, partner institutions, at iba’t ibang education stakeholders.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na sa tulong ng ASEAN Foundation at Google.org, ilulunsad ng DepEd ang isang national AI skills training program na inaasahang maaabot ang hanggang 1.5 milyong mag-aaral, guro, at magulang.
Magpapatupad din ang DepEd ng pilot testing ng mga AI-powered tools at platforms upang suportahan ang pagtuturo sa silid-aralan at ang pang-araw-araw na operasyon ng mga paaralan.
Ipinahayag naman ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang patuloy nitong pakikiisa sa mga programang maghahanda sa mga mag-aaral sa mga hamon at oportunidad ng panahon ng AI.










