Bilang bahagi ng paggunita ng World Hepatitis Day, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod, katuwang ang University of the Philippines Manila – National Institutes of Health (NIH), ang Hepatitis B and C Model of Care.
Layon ng proyektong ‘Strengthening the Integrated Treatment and Care for Hepatitis (StITCH)’ na tulungan ang mga local government unit na makapagtatag ng model of care para sa mga pasyenteng may Hepatitis B at C.
Kabilang sa layunin nito na mailapit sa mga komunidad at agarang maibigay ang healthcare needs ng mga Hepatitis B and C patients.
Lumagda sa Memorandum of Agreement sina Mayor Joy Belmonte at City Health Officer Dr. Ramona Abarquez bilang tanda ng suporta sa inisyatibo ng StITCH.
Kasama sa signatories sina UPM NIH Executive Director Dr. Marissa Alejandria at StITCH Project Leader Dr. Janus Ong.
Nagsagawa rin ng libreng hepatitis screening at counseling ang QC Health Department sa QC Hall.








