Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pormal nang inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni District Director PCol. Randy Glenn Silvio, ang QCPD KIDS CARE (Keeping Innocence and Dreams Safe through Caring Action, Response, and Environment).
Sa ilalim ng QC KIDS CARE, mabibigyan ng medical at financial assistance ang dependents ng mga pulis, lalo na ang mga children with disabilities.
Nagsilbing panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial launch ng QCPD KIDS CARE, na kasabay ng kanilang Thanksgiving program.










