Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Councilors’ Week, inilunsad ng Sangguniang Panlungsod ang Volume 2 ng Quezon City Council: History and Legacy coffee table book.
Tampok sa coffee table book ang mga napagtagumpayan na programa at polisiya na pinangunahan ng kasalukuyan at mga nagdaang city council.
Nagbalik-tanaw si Mayor Joy Belmonte sa kasaysayan at naging ambag ng sanggunian sa pagsulong ng kapakanan ng QCitizens.
Nakiisa sa book launch ang mga miyembro ng 22nd City Council sa pamumuno nina Vice Mayor Gian Sotto at Majority Floor Leader Doray Delarmente kasama ang QC former councilors.
Dumalo rin sa book launch sina former Speaker Sonny Belmonte at Department of the Interior and Local Government Usec. Chito Valmocina.