Bumisita sa Quezon City Hall ang mga alkalde mula sa iba-ibang siyudad at munisipalidad sa Pilipinas na bahagi ng Leaders for Excellence and Public Service (LEAP) Mayor’s Fellowship Program ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical leadership Inc upang alamin ang mga programa at proyekto na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa pagbangon mula sa pandemya.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga best practices ng lungsod sa pagtugon sa COVID-19 pandemic mula sa pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga BHERT, food assistance sa mga QCitizen, pagtatatag ng HOPE quarantine facilities, Kalingang QC para sa mga naapektuhang sektor at negosyo, at SAP QC.
Binanggit din ng alkalde ang mga programa na nabuo simula noong pandemya na nagbibigay pa rin ng serbisyo sa mga QCitizen tulad ng QCity Bus libreng sakay program at GROW QC urban farming.
Kasama rin sa programa ang pagbisita ng LEAP Mayors sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) kung saan ipinaliwanag sa kanila ang mga hakbang ng lungsod sa pagtugon sa mga kalamidad at emergency.
Bukod kay Mayor Joy, naroon din sina Councilor Dorothy Delarmente, City Administrator Mike Alimurung, Social Services Development Office (SSDD) OIC Rowena Macatao, City Budget Officer Marian Orayani, Quezon City Health Department (QCHD) OIC Dr. Esperanza Escaño-Arias, at PAISD Head Engelbert Apostol.